Baptized Raquel, aka Raquel Welch. Di ko alam kung bakit!Dahil kaya my parents have a wish na maging beauty rin ako. Or kala nila nakakahawa ang fame kapag same name?
Tapos nung maliit ako, nickname ko naman, kengkeng. E dahil baby ka pa, papano ka naman aayaw? Kaya naman nung kindergarten, balik na naman ako sa Raquel. Kase official name yon sa application ko, di ba? At sempre, sabit na rin yung sa grade school.
Pero dahil nagkaron ka na rin ng konting barkada, edi may I asking na rin sila sa nickname mo. E ang usual nickname sa Raquel edi ba Quel or Kelly? Naku, naging Quelly pa nga e. Pero dahil sa mga bookstores di ako makabili ng stickers na Quelly, may i change ko sya sa Kelly. Ayun, yun ang naging nickname ko dahil yun ang may stickers. Although konti lang ang naka-alam. Kahit yata yung mga nagtanong ng nickname ko, di rin nila nalaman eh. E pati nga sa bahay namin di alam e. Goodbye, Kelly nobody.
So nag high school. Barkadahan. Sempre tawagan sa telepono, bisitahan sa bahay. Ayun na. Lumabas ang katotohanan. Nakakadismaya man. Ako eh si Kengkeng nga. Pero may karapatan na akong medyo pagandahin ng konti kasi nga teen ager na ako di ba? So pina-iksi ko sya, Keng! Nagkaron pa nga ng time na naging Kheng sya. Di ba, may H!! Nauso yan dati ha. So anyway, patuloy akong naging Keng or Raquel depende sa level ng closeness.
Ang highlight ng pagiging Keng ko e ehem -- pati si Kris Aquino nakyutan sa name ko. Pero di ibig sabihin non na close kami ha, kasi humingi ako ng autograph sa kanya (mwahahaha!)! Cheap thrills. So sabi nya, anong name mo, sabi ko naman, KENG! Kris said, ang cute naman ng name mo! Sabi ko din, name mo, cute din, huh! O anong say nyo, siguro mas makyutan sya kung sabihin kong may H yun ha, heheh!!
Anyway, nagtrabaho ako kung saan-saan, naging Keng na rin ako sa mga big bosses ko. Minsan din akong naging Dokleng. Ewan ko ba. Naging expression ko kasi sya. Pero isang mabuting kaibigan na lang ang may bitbit nyan. Na nahabaan din sa Dokleng, kaya shortened na rin sa Dok.
Pero nung lumipad ako ng Thailand, bumalik ako sa pagiging Raquel. E ang mga lintak na Thais, di nila masabi ang Q! Kung ano anong version ang lumabas kaya sabi ko ako e si Keng. Na hindi naman nila din ma take kasi ang ibig sabihin naman ng Keng sa Thai word eh intelligent, clever, superwoman -- Di ba nila alam na ako nga lahat yon? Kung di lang ako sobrang humble, hmp!
Ayan na naman, nag mutate na naman ang aking pagiging Raquel while working in Thailand. Tinawag akong Raki kasi daw mas okay daw ang tunog. O sige na nga, para lang kumita at di pauwiin ulit sa Pinas. E biglang na meet ko naman yung aking future husband na nung una kaming nag meet e wala naman akong balak na maging future wife nya. Kaya nung tinanong nya sa akin, how do you say your name Raquel? Ang tunog nya eh Rachel. Sabi ko, no problem. American version di ba. E malay ko bang magiging asawa ko pala sya? Kaya eto ako ngayon, Raquel na naging Rachel. Rachel sa mga close ko, at Raquel sa mga kakilalang pilit. Pero sa karamihan ng populasyon dito sa Germany, ako si Frau Erhard. OO, sobrang pormal sila dito. (Kung sa atin baga, Aling Keng)
Sempre sa mga closeness ko eh Keng pa rin ako. Di na double kengkeng, mabuti naman at marami ng nakalimot. Yan e kung kalilimutan ko ang mga kamag-anakan namin sa Taytay, Rizal. Dahil hanggang ngayon eh tumataginting na Kengkeng pa rin ang tawag sa akin. Wish ko lang, iwan nyo na plis ang double Keng!! Eto na nga si ako, si Keng, kengkerengkeng pa rin.
From my Friendster blog 9/19/2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment